Sisimulan na bukas ng Department Of Science and Technology (DOST) ang clinical trial sa anti-parasitic drug na Ivermectin.
Ito’y upang mabatid kung epektibo at ligtas ang Ivermectin sa mga pasyenteng may asymptomatic at mild COVID-19 na naka-confine sa isolation facilities.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato De La Peña,tatagal ang pag-aaral ng walong buwan.
Magmumula anya sa University of the Philippines Manila – Philippine General Hospital ang project team sa pangunguna ni Dr. Aileen Wang na kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa Local Government Units.
Nasa 1,464 asymptomatic at non-severe Filipino COVID-19 patients na edad 18 pataas ang kasali sa clinical trial.—sa panulat ni Drew Nacino