Kasado na sa August 17 ang clinical trial ng bansa sa Japanese anti influenza drug na avigan bilang investigational medicine kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire bagamat mayruon pang isinapinal na ilang legal documents.
Sinabi pa ni Vergeire na isandaang COVID-19 patients ang sasailalim sa trial na isang uri ng open label multi centered randomized comparative study.
Sa ilalim nito ay makakatanggap ng existing supportive case ang unang50 pasyente samantalang ang 50 iba pa ay bibigyan ng parehong supportive care na may kasamang avigan.
Inihayag ni Vergeire na hindi maaaring basta na lamang sumali ang sinumang pasyente dahil mayruong mga requirements para mapabilang sa clinical trial.