Aprubado na ng vaccine expert panel (VEP) ng Department of Science and Technology (DOST) ang clinical trial sa bansa ng anti-coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na Sinovac mula sa China.
Gayunman, ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, kailangan pang kumuha ng approval mula sa ethics board ang Sinovac makers bago makapag-apply sa FDA clearance para tuluyang magamit sa clinic trials.
Sinabi ni Domingo na VEP ang magrerepaso sa phase 1 at 2 ng clinical trial samantalang ang ethics board ang mag-eevaluate sa mga napiling kasali sa clinical trials at iba pang safeguards na ibinigay ng vaccine manufacturer sa mga participants.
Patuloy pa aniya ang pag review ng ethics board sa Sinovac at hihintayin muna ang resulta dahil hindi maaaring makapagsimila ang FDA ng anumang pag-aaral hinggil sa bakuna ng walang approval ng ethics board.
Ayon pa kay Domingo, tatakbo ng dalawa hanggang tatlong linggo ang FDA evaluation sa Sinovac para sa clinic trial kapag nakakuha na ito ng green light mula sa ethics board.