Aarangkada na ang clinical trial sa gamot na melatonin bilang supplemental treatment para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ang clinical trial ay pangungunahan ng Manila Doctors Hospital na una nang nag-ulat ng matagumpay na paggamit ng mataas na dosage ng melatonin sa isang kritikal na COVID-19 patient.
Ang clinical trial na lalahukan ng 350 COVID-19 patients ay inaasahang tatagal ng hanggang apat na buwan.