Binabalangkas pa ng Department of Science and Technology (DOST) ang report hinggil sa ginawang clinical trial laban sa COVID-19 ng virgin coconut oil (VCO).
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña wala pa silang natatanggap na impormasyon hinggil sa anunsyo ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) kamakailan na may resulta na ang clinical trial sa VCO bilang treatment sa COVID-19 patients.
Ipinaabot aniya sa kaniya ni Dela Peña na malapit nang matapos ang kanilang trial at binubuo na lang ang mga ebidensya kaya’t hinihintay na lang nila ang kumpletong documentation at resulta nang ginagawang VCO trials.
Una nang inihayag ni PCHRD Executive Director Dr. Jaime Montoya na napababa ng VCO sa 60 hanggang 90% ang coronavirus count ng trial participants.