Inaprubahan na ng pamunuan ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng sinovac para magsagawa ng clinical trials para sa kanilang bakuna kontra COVID-19 dito sa Pilipinas.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni FDA Director General Eric Domingo, na ang lahat ng aplikasyon para magsagawa ng clinical trials sa bansa ay naaprubahan na.
Mababatid na bago pa nito, noong October 2020, pinaboran na ng vaccine expert panel (VEP) ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagsasagaw ng clinical trials ng Sinovac.