Inaasahang makukumpleto na ng Philippine General Hospital (PGH) sa katapusan ng buwang ito ang clinical trials sa paggamit ng Virgin Coconut Oil (VCO) bilang gamot sa COVID-19.
Sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña na napapanahon ang pagtatapos ng clinical trial sa VCO dahil nagkakaruon ng problema ang bansa sa supply ng Tocilizumab.
Ayon kay Dela Peña, sa hiwalay na DOST clinical trial sa Sta Rosa, Laguna hinggil sa VCO, ilang pasyente na nakatanggap nito ay mabilis na nakarecover kumpara sa mga hindi nabigyan ng VCO.
Bukod din sa PGH, nagsasagawa rin ang Valenzuela at Muntinlupa ng clinical trials sa VCO bilang posibleng gamot sa COVID-19.
Posible aniyang matapos na rin ang clinical trails ng lagundi at tawa tawa na pinagaaralang maging gamot din kontra COVID-19.
Samantala, ipinabatid ni Dela Peña na tuloy-tuloy ang clinical trial sa melatonin bilang gamot sa COVID-19 dahil kailangan pa ng dagdag na participants ng Manila Doctors Hospital na siyang nangunguna sa nasabing pagaaral.