Inaasahang makakalahok ang Pilipinas sa clinical trials para sa bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa last quarter ng 2020.
Ang statement ay ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos magpahayag ng kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng positibong resulta ang nilikhang COVID-19 vaccine.
Ginagawa ang clinical trials ng iba’t-ibang bansa upang malaman kung alin sa mga gamot ang epektibo para sa coronavirus.
Samantala, sinabi rin ni Roque na pangungunahan ng Department of Science and Technology (DOST) ang clinical trials sa Pilipinas.