Sinuspinde ng World Health Organization (WHO) ang lahat ng clinical trials para sa hydroxychloroquine bilang potensyal na gamot sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom, ang suspensyon ng clinical trials ay bilang pag-iingat matapos lumabas ang pag-aaral na mas malaki ang tyansang mamatay ang isang COVID-19 patient na ginagamot ng hydroxychloroquine.
Ang naturang gamot ay ginagamit na gamot sa arthritis.
Gayunman, maraming bansa ang bumili ng maramihan ng nasabing gamot matapos ihayag ng ilang public figures na kinabibilangan ni U.S. President Donald Trump na umiinom sila ng hydroxychloroquine.