Uusad na sa Agosto ang clinical trials para sa Lagundi bilang supplemental treatment sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Secretary Fortunato Dela Peña ng Department of Science and Technology (DOST), inaantay na lamang nila ang clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Layon anya ng clinical trials na subukan kung makakatulong ang lagundi na magamot ang mga sintomas ng COVID-19 tulad ng pag-ubo, lagnat at sore throat.
Sa kasalukuyan ay ginagamit nang gamot sa ubo ang lagundi.
Sinabi ni Dela Peña na plano rin nilang pag-aralan ang Tawa-Tawa bilang supplemental treatment sa COVID-19 subalit kailangan pa nilang kumuha ng approval mula sa University of the Philippines Research Ethics Board.