Posibleng masimulan na sa susunod na buwan ang clinical trials ng potential COVID-19 vaccine sa Pilipinas.
Ayon kay Dr. Jaime Montoya , Executive Director ng DOST-Philippine Council for Health Research Development (PCHRD) naka-depende sa compliance ng manufacturers sa requirements ng Food and Drug Administration ang pagsisimula ng clinical trials.
Ito aniya ay bagama’t sa Disyembre naman itinakda ng World Health Organization ang solidarity trial para sa potential COVID-19 vaccines.
Sinabi ni Montoya na kabilang sa mga nag apply paa sa clinical trials sa bansa ang Sinovac mula sa China, Janssen, Sputnik 5 mula Russia, Clover Biopharmaceuticals at Astrazeneca.
Para makapagsagawa ng clinical trials sa bansa kailangan munang makakuha ng clearance ang potential vaccine manufacturer mula sa panel of vaccine experts sa ilalim ng DOST bago makakuha ng approval mula sa ethics board at FDA.
Una nang inihayag ni FDA Director General Eric Domingo na tanging ang Sinovac pa lamang ang nakakakuha ng clearance mula sa vaccine expert panel.