Tiniyak ni Republican presidential candidate Donald Trump na ipapakulong niya ang katunggaling si Democratic standard bearer Hillary Clinton kapag nakaupo siya sa White House.
Sa ikalawang presidential debate na ginanap sa Washington University sa St. Louis, Missouri, sinabi ni Trump na kapag nanalo siya, uutusan nito ang kanyang attorney general na imbestigahan si Clinton.
Sa gitna ito ng pagbatikos ni Trump sa paggamit ni Clinton ng pribadong email server noong siya pa ang Secretary of State.
Inabsuwelto si Clinton sa isinagawang imbestigasyon ng US Justice Department at Federal Bureau of Investigation.
By Mariboy Ysibido