Pormal ng inendorso ni US President Barack Obama ang kandidatura ni presumptive Democratic Presidential nominee Hillary Clinton sa pamamagitan ng isang web video.
Ayon kay Obama, wala ng iba pang kwalipikado kay Clinton para pumalit sa kanya bilang pangulo ng Amerika.
Excited na rin si Obama para personal na pangunahan ang kampanya ni Hillary na magsisimula sa Green Bay, Wisconsin sa isang linggo.
Makasaysayan ang pag-endorso ni Obama kay Clinton bilang kauna-unahang babaeng presidential nominee ng isang major political party.
Bahagi ng pahayag ni US President Barack Obama
Sa kanyang tweet, pinasalamatan naman ni Clinton si Obama sa endorsement nito sa kanya.
VP
Sinimulan na ni Democratic Presidential Candidate Hillary Clinton ang paghahanap ng kanyang magiging bise presidente.
Ayon sa dating first lady, na kinukunsidera niya ang isang babae na makatambal niya sa nalalapit na halalan.
Umaasa naman ito na makapili na agad ng bise-presidente bago ang kanilang gagawing convention ng kanilang partido pagdating ng Hulyo.
Dagdag pa ng dating Secretary of the State na sasalain niyang mabuti ang magiging Pangalawang Pangulo na talagang deserving at kanya itong ipapakilala sa publiko kapag nakapili na ito.
By Mariboy Ysibido