Pasok na sa Western Conference finals ang Los Angeles Clippers.
Ito’y makaraang masungkit ng Clippers ang 131-119 victory laban sa Utah Jazz sa kanilang semifinals series.
Unang nabaon ng 25 puntos ang Los Angeles sa third quarter ngunit unti-unting hinabol ang Utah at nanalo pa sa dulo ng laban.
Kumamada si Terance Mann ng 39 points na siyang pumalit sa puwesto Kawhi Leonard dulot ng tinamo nitong injury.
Makakaharap ng Clippers sa West finals ang Phoenix Suns.