Tatlong player ng Los Angeles Clippers ang rumatsada sa shooting na nagdala sa kanila ng panalo kontra New York Knicks sa score na 135-132.
34 points ang ginawa ni Montrezl Harrell, 32 points naman si Paul George, samantalang 32 points rin ang kay Lou Williams.
Anim sa sampung 3-pointers ang nagmula rin kay Williams.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng prangkisa ng Clippers na sabay-sabay naka-iskor ng mahigit sa 30 points ang tatlo nilang players.