Arestado ang isang umano’y kanang kamay o close aide ng napatay na ISIS leader na si Abu Bakr al-Baghdadi sa Turkey.
Ayon sa Istanbul police, ang suspek ay may codename na “ASIM” at isang Afghan national.
Isiniwalat naman ng intelligence agency ng Turkey na ang nasabing lalaki ang isa sa mga tumulong noong magtago si al-Baghdadi sa Syria bago nalansag ang grupo noong 2019.