Apat lamang ang natukoy na close contact sa lungsod ng Quezon ng Finnish national na nagpositibo sa Omicron subvariant BA.2.12.
Ayon kay City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) head Dr. Rolly Cruz, apat lamang ang nakasama ng dayuhan sa seminar nito na isinagawa sa Baguio City.
Tatlo sa nasabing indibidwal ang nag-negatibo na sa COVID-19 ang pero nananatili pa ring naka-quarantine habang ang isa naman ang umalis na ng bansa kasama ang Finnish National.
Samantala, nagnegatibo na rin sa COVID-19 ang dalawa mula siya siyam na asymptomatic close contacts batay sa isinagawang contact tracing ng local epidemiology and surveillance unit sa Baguio.