Oobligahin ang mga close contacts ng COVID-19 patients na tapusin ang 14-day quarantine kahit pa bakunado na at negatibo na sa virus.
Batay ito sa inilabas na guidelines pilot implementation ng alert levels system para sa COVID-19 response sa National Capital Region document na inilabas nitong Lunes.
Ipatutupad naman ang minimum public health standards sa panahon ng pagpapatupad ng alert level systems. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico