Matapos ang tatlong buwan, magpapatuloy na ang commercial fishing activities, partikular ang panghuhuli ng galunggong, sa Northeastern Palawan.
Ito, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ay makaraang alisin na ang closed fishing season simula Pebrero a–1.
Ipinatupad ang fishing ban upang ma-protektahan at makapagparami muli ang Decapterus species, na kilala rin bilang galunggong (GG).
Una nang inaprubahan ni Agriculture Secretary William Dar ang pag-import ng 60,000 metric tons ng pelagic fish, gaya ng GG upang maabot ang demand sa unang quarter ng taong 2022.
Gayunman, umani ito ng puna mula sa mga mambabatas at grupo ng mga mangingisda.