Ipinag-utos na ng Department of Environment and Natural Resources, ang pagpapatupad ng temporary closure order isang resort sa Chocolate Hills sa Bohol.
Ito’y sa gitna ng mga viral post sa social media ng isang swimming pool na itinayo mismo sa paanan ng idineklarang National Geological Monument.
Kaugnay nito, naglabas na din ng direktiba si DENR Region 7 Executive Director Paquito Melicor, sa Bohol Provincial Environment and Natural Resources Office, na bumuo na isang team upang tiyakin ang pagsunod ng Captain’s Peak Resort sa temporary closure order.
Nabatid na idineklarang protected area ang cholocate hills simula pa noong July 1, 1997 sa pamamagitan ng Proclamation 1037 na inilabas ni Dating Pangulong Fidel Ramos. – sa panunulat ni Katrina Gonzales