Rerebyuhin muli ang closure order na inisyu ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez sa mahigit 20 minahan sa bansa.
Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, magpupulong sa susunod na Biyernes, a-tres ng Marso ang grupong Mining Industry Coordinating Council para tingnan kung dumaan sa due process ang mga closure order.
Ayon sa kalihim, nag-iingat sila sa posibilidad na hingan ng danyos ang gobyerno dahil sa mga hindi nasunod na kontrata sa pagmimina.
Ngunit inamin ni Dominguez na hindi niya batid kung mababago ang closure order ni Lopez batay sa magiging resulta ng gagawing review.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping