Walang sasayanging panahon ang Department of Agriculture (DA) para paigtingin ang kampaniya nito kontra El Niño phenomenon.
Sa harap na rin ito ng babala ng PAGASA na mas matindi ang mararamdamang epekto ng tagtuyot sa bansa ngayong buwan.
Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, kanilang susuyurin ang mga ulap na maaaring sabuyan ng asin upang makalikha ng ulan.
Partikular na tututukan ng DA ang mga lugar na nakararanas ng matinding tagtuyot tulad ng Isabela, Negros Occidental, Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Lanao del Sur, Cagayan at La Union.
By Jaymark Dagala