Mas pinaigting pa ng Department of Agriculture (DA) ang isinasagawang cloud seeding operation sa buong bansa.
Ayon sa DA , layon pa rin nitong maibsan ang epekto ng matinding El Niño na nararanasan sa maraming rehiyon.
Sinabi kay Bureau of Soils and Water Management Cloud Seeding Team Leader Engr. Henry Cacayan, ang patuloy na operasyon ay bahagi pa rin ng 45 hours na cloud seeding operation na nagkakahalaga ng P2.4 million pesos.
Target ng operasyon na mapataas ang lebel ng mga dam lalo na ang mga nagbibigay ng patubig sa mga pananim lalong lalo sa palay.
Kung magpapatuloy aniya ang matinding init ay magkakasang muli ang DA ng 60 hours ng cloud seeding na nagkakahagalaga ng 3.5 million.
By Rianne Briones