Kasabay ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa ilang water reservoir, sinimulan na ang cloud seeding sa Angat Dam, sa Bulacan.
Kinumpirma ni National Water Resources Board Executive Director Sevillo David na magkatuwang ang Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) at PAGASA sa Cloud-Seeding Operations.
Ang naturang Water Reservoir ang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng Metro Manila, irrigation water sa Bustos Dam sa Bulacan at ilang bahagi ng pampanga at power generation sa Luzon Grid.
Batay sa monitoring ng PAGASA hanggang kahapon, bumaba na sa 190.94 meters ang lebel ng tubig sa Angat o 10 metro na lamang ang agwat mula sa critical level na 180 meters.