Iginigiit ng SRA o Sugar Regulatory Administration ang cloud seeding operations sa Negros Occidental.
Sa gitna na rin ito ng matinding init ng panahon dulot ng El Niño phenomenon.
Ayon kay SRA Extension for Visayas Officer in Charge Helen Lobaton, halos P100 million pesos na ang pinsala ng matinding tagtuyot sa 13 bayan at lungsod sa lalawigan.
Dahil dito, apektado na rin ang halos 8,000 magsasaka ng tubo sa mahigit 7,000 ektarya ng lupain.
Bukod dito, P44 million pesos na ang pinsala ng El Niño sa taniman ng palay at iba pang pananim.
By Judith Larino