Bahagyang dumami ang kaso ng dengue sa ilang lugar sa Metro Manila, CALABARZON, Davao at General Santos City.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagaman walang malaking pagbabago sa kaso ng dengue sa bansa, nakatanggap sila ng mga ulat ng clustering sa mga nabanggit na lugar.
Nasa 59,481 anya ang dengue cases na naitala mula Enero hanggang nitong Oktubre 2021 kumpara sa 76,721 sa kaparehong panahon noong isang taon.
Bukod sa NCR, Regions 4-A, 11 at SOCCSKSARGEN, nasa 700 percent ang itinaas ng dengue cases sa Baguio City batay sa ulat ng Baguio City Health Service.
Samantala, tiniyak naman ni Vergeire na nakikipag-ugnayan na ang DOH sa mga regional offices nito. —sa panulat ni Drew Nacino