Clustering of earthquakes.
Ito, ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary at PHIVOLCS Director Renato Solidum, ang nararanasan sa Surigao Del Norte na ilang beses nang niyanig kaninang umaga.
Sinabi ni Solidum na mula sa Philippine trench ang pagyanig sa Surigao Del Norte na huling nakapagtala ng malakas na lindol noong 1950’s na umabot sa magnitude 7.7 ang lakas.
Kabilang aniya sa kailangang paghandaan ang posibilidad na magresulta ng mas malakas na pagyanig ang sunud-sunod na nararanasang lindol.
Inihayag ni Solidum na maaari din namang huminto na ang pagyanig bagamat mabuti na ring nakahanda sa malakas na lindol na idudulot ng tsunami.