Inabswelto ng Sandiganbayan First Division sa kasong plunder si dating PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office Board Member Ma. Fatima Valdez.
Sa inilabas na resolusyon ng Anti-Graft Court, pinaboran nito ang inihaing demurrer of evidence ni Valdez na nagsasabing walang sapat na ebidensya para idiin siya sa kaso.
Si Valdez ay isa sa kapwa akusado ni dating Pangulo ngayo’y House Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa umano’y maanomalyang paggamit ng P366-million confidential intelligence funds ng PCSO.
Una nang ipinawalang-sala ng Korte Suprema sa kasong plunder si Ginang Arroyo may kaugnayan sa anomalya sa PCSO.
By Meann Tanbio | Report from Jill Resontoc (Patrol 7)