Muling naglabas ng sama ng loob si Pangulong Rodrigo Duterte sa COA o Commission on Audit dahil sa aniya’y usad pagong na aksyon nito.
Ayon sa Pangulo, hanggang ngayon aniya ay hindi pa rin sinusunod ng COA ang kaniyang ipinag-utos na baguhin ang maanomalyang proseso ng bidding sa mga proyekto.
Giit ng Pangulo, matagal na niyang iniutos sa COA na makipagtulungan sa Kongreso kung paano itatama ang batas tungkol sa lowest bidder.
Paulit-ulit na binibigyang diin ng Pangulo na ugat ng kurapsyon ang pagpapatupad ng lowest bidding dahil nalalagay lang sa alanganin ang mga proyekto at kadalasan aniyang nauuwi ito sa dispalinghadong produkto.