INIREKOMENDA ni dating Chief Justice Lucas Bersamin si Commission on Audit Chairperson Michael Aguinaldo bilang susunod na mahistrado ng Korte Suprema.
Ginawa ni Bersamin ang rekomendasyon bunsod ng nalalapit na pagreretiro ni Associate Justice Rosmari Carandang.
Sa dalawang pahinang liham ni Bersamin kay Judicial and Bar Council Chairman at Chief Justice Alexander Gesmundo, binanggit ng dating punong mahistrado na ‘fully qualified’ si Aguinaldo para sa nasabing posisyon.
Si Aguinaldo ay naging COA chairperson noong April 2015 at magtatapos ang kanyang termino sa susunod na taon.