Tinatayang 460 milyong piso ang nalugi sa gobyerno noong 2016 at 2017 dahil sa kasunduan ng Bureau of Corrections o BuCor at kumpanyang pag-aari ng pamilya ni Davao del Norte 2nd District Representative Antonio Floirendo.
Kaugnay ito sa 25-year joint venture agreement na nilagdaan noong May 21, 2003 para sa pagpapa-renta sa 5,308 hectares ng lupain ng BuCor sa Tagum Agricultural Development Company o TADECO ng pamilya Floirendo.
Batay sa 2017 report ng Commission on Audit, garantisadong kikita ang gobyerno ng 26.5 million pesos kada taon kasama ang automatic increase ng 10 percent kada limang taon simula sa sixth term ng kasunduan.
Nasa 6,655 pesos per hectare ang average income ng pamahalaan mula sa rental payments ng TADECO simula 2014 hanggang 2017 o 35.3 million pesos kada taon.
Gayunman, natuklasan ng COA na nasa 40,000 hanggang 50,000 pesos per hectare ang rental rates ng lupa sa plantasyon ng TADECO.
Nangangahulugan ito na dapat ay 530 million pesos ang kinita ng pamahalaan noong 2016 at 2017 kung ang 50,000 peso per hectare rental rate ang pagbabatayan sa halip na 70.7 million pesos lamang.
—-