Idinawit na rin ni Atty. Levito Baligod, dating abogado ni Benhur Luy, ang pangunahing whistleblower sa P10 billion peso pork barrel scam ang Commission on Audit (COA) sa panibagong PDAF scam.
Ayon kay Baligod, nakapagtataka ang mabilis na paglusot sa COA ng mga pork barrel fund kaya’t naniniwala siya na dinoktor ng ahensya ang mga dokumento upang makapaglabas ng pondo.
“Nagrereklamo din tayo sa ilang mga opisyal sa COA, halimbawa ‘yung implementing agency ngayong araw natanggap nila ‘yung pondo ng PDAF, eh 3 days ago po ay binayaran na nila ang NGO, nagtataka po tayo saan po kumuha ang ahensya na ‘yan ng pera na nabayaran nila ang NGO na hindi pa naman nila natatanggap?” Ani Lina.
Inihayag ni Baligod na malinaw na may ilang COA official ang nakinabang o sangkot sa P500 million peso pork barrel scam subalit tumanggi ang abogado na pangalanan ang mga ito.
“Kaya po nakalusot ang mga anomalya na ‘yan dahil sadyang ipinikit ng ilang opisyal ng COA ang kanilang mga mata sa mga anomalyang ito.” Pahayag ni Baligod.
By Drew Nacino | Cha Cha