Inirekomenda ng COA o Commission on Audit na i-demand ng PNP o Philippine National Police na maideliver sa kanila ang 1.3 bilyong pisong mobility at combat asset na binili sa ilalim ng Aquino administration.
Ayon sa COA o Commission on Audit, hindi pa rin nakukuha ng PNP ang mga kagamitan na inorder noong Marso at Abril 2016 sa pamamagitan ng PITC o Philippine International Trading Corporation.
Kung hindi magagawang ideliver ang mga binayarang combat items sa loob ng 6 na buwan, sinabi ni COA na dapat na mag demand ang PNP ng refund sa PITC.
Kasama sa mga hindi pa nai de deliver ang 42 units ng utility truck, anim na unit ng light personnel carrier, apat na unit ng integrator, 12 units of automatic granade launcher at iba pa.