Kinalampag ng Commission on Audit ang Government Service Insurance System, Social Security System at iba pang state firms kaugnay sa madalas na pagka antala ng posting ng mga kontribusyon ng kanilang miyembro.
Ayon sa COA dahil sa mabagal na prosesong ito naaapektuhan ang mga pensyon at benepisyo na matatanggap ng kanilang mga miyembro.
Giit ng COA maaaring masulusyunan ito sa pamamagitan ng tamang pakikipag ugnayan sa mga employers kaugnay sa mga problema sa kontribusyon at mga records ng kanilang mga empleyado.
Samantala maagang pamasko naman ang pagtataas ng buwanang pensyon para sa mga pensyonado ng Employees Compensation Commission.