Kinalampag ng Commission on Audit ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) kaugnay sa mga nawawalang mamahaling paintings ng pamilya Marcos, pati na ang mga nasisirang iba pa na nakatambak lamang sa Metropolitan Museum.
Batay sa 2016 COIA Report, walang mga hakbang na ginagawa ang PCGG para ma-preserve at maprotektahan ang mga mamahaling paintings ng mga Marcoses.
Ayon sa COA, dapat nasa Malacanang’s antique houses ang mga paintings at hindi pinabayaang nakatiwangwang at nagagasgas ang mga ito.
Inirekomenda ng COA sa PCGG na makipag-ugnayan sa Metropolitan Museum para imbestigahan ang nawawalang anim na mamahaling paintings at ibalik ang mga ito.
By: Aileen Taliping