Kinuwestyon ng Commission on Audit ang OWWA sa higit P1-M halaga ng hygiene kits.
Tanong ng COA, bigyang-linaw ng ahensya ang pagbili ng nasabing produkto na may halagang P1.269-M sa isang contruction store.
Ayon sa inilabas na audit report, ang procurement ng mga hygiene kits, sanitary napkins at thermal scanners ng isang OWWA deputy administrator ay kataka-taka dahil hindi naman ito na-procure sa mga kilalang drugstore o pamilihan.
Paliwanag pa ng ahensya na ang nasabing establisimyento na nakalagay sa resibo ay hindi matagpuan sa nasabing address nito.—sa panulat ni Rex Espiritu