Nilinis ng COA o Commission on Audit si ERC o Energy Regulatory Commission Chairman Jose Vicente Salazar kaugnay sa maanomalyang audio visual presentation na nagkakahalaga ng 300 libong piso.
Nakita sa report na isinulat ni State Auditor Vivencio Quiambao Jr. at Supervising Auditor Flovita Felipe na dalawang beses na nagkaroon ng failed bidding para sa proyekto at hindi nagamit ang pondo para rito.
Ang umanoy anomalya sa audio visual presentation ay isiniwalat ni dating ERC Director Jose Francisco Villa sa kanyang suicide note noong Nobyembre.
By: Katrina Valle / Bert Mozo