Isinusulong ng COA o Commission on Audit na marepaso ang China-Funded Kaliwa Dam project dahil sa anito’y kawalan ng patunay na hindi ito makapipinsala sa kapaligiran.
Binigyang-diin ng COA na itinuloy ng MWSS o Metropolitan Waterworks And Sewerage System ang P12.2-B Kaliwa dam project sa Infanta, Quezon kahit pa hindi nasunod na environmental pre-requisites at pagsusumite ng mga kinakailangang permit.
Sa isinagawang 2020 annual audit report, ipinabatid ng COA na bagama’t nakakuha ang NCWS KDP ng Environmental Compliance Certificate, hindi nito nakumpleto ang aplikasyon nito ng mandatory permits mula sa mga ahensiya ng pamahalaan.
Lumitaw rin sa datos ng COA na inisyu ng DENR ang ECC sa MWSS noong Oktubre 11, 2019.
Bagama’t nakapagsumite naman ng mga dokumento ang MWSS noong Mayo 20, 2021, hindi na ito ayon sa COA, hiningi ng DENR.