Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaugnay ng pagbili nito ng P500-M halaga ng insurance policy para sa 10 matataas na opisyal ng ahensiya.
Batay sa ulat ng COA, binili ng CAAP ang insurance sa United Coconut Planter’s Assurance Corporation (COCOLIFE) nang hindi pa inaaprubahan ng CAAP board.
Hindi rin anila ito dumaan sa tamang proseso at wala ring naging sapat na pamantayan sa pagpili ng 10 opisyal na binigyan ng insurance.
Kasunod nito, hinikayat ng COA ang CAAP na bawiin na ang P500-M ibinayad sa COCOLIFE at sa halip ay gugulin ang pondo sa iba pang ahenisya na may mas malaking tubo.
Gayundin ang pagbuo ng isang grupo na hahawak sa usapin ng investments sa CAAP.