Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang mahigit 3-bilyong mga transactions ng Department of Health (DOH) na taliwas umano sa itinatakda ng Republic Act 9184 o ang Governemnt Procurement Act.
Base sa 2021 audit report, sinabi ng COA na aabot sa mahigit P3-bilyong ang kabuuang mga transaksiyon na may improper computation sa approved budget for the contract (ABC).
Ayon sa COA, mali ang paraan ng pagbili ng DOH at mayroong kawalan sa pagpaplano, at iba pang kadahilanan.
Sa naging pahayag ng DOH, pumayag sila na sabihan ang bids and awards committee (BAC) at ng iba pa nilang opisina na sundin ang mga batas at regulasyon.
Bukod pa dito, pinayagan din ng DOH na patawan ng tamang liquidata damages ang mga contractor at suppliers sa naantalang delivery ng mga binili ng gobyerno.
Samantala, nasilip din ng COA ang hindi pagsumite ng kagawaran ng mga dokumento hinggil sa mga transaksiyon na nagkakahalaga ng P5.8 billion kaya hindi umano malaman kung tama at makatwiran ang mga transaksiyon ng ahensya.
Inihayag ng COA na pumayag din ang DOH na makapagbigay ng financial report at transaction documents para malaman kung may iregularidad sa paggasta ng ahensya.
Sa ngayon, binigayn ng anim napung araw ang DOH para sagutin ang mga napuna at katanungan ng COA hinggil sa transaksiyon ng DOH.