Pinuna ng Commission on Audit ang Social Security System dahil sa kabiguan nitong kolektahin ang higit 93 billion pesos na halaga ng premium contributions mula sa mga deliquent employer noong 2023.
Napag-alaman ng COA na nakakolekta lamang ang SSS ng 4.581 nillion pesos o 4.89% ng kabuuang 93.747 billion pesos established collectibles.
Nabatid din ng COA na 103 employer lamang na may delinquent accounts na nagkakahalaga ng 95.308 million pesos ang nag-avail ng installment plan.
Ayon sa COA, posibleng indikasyon ito ng liniency o pagiging maluwag sa kolesyon.
Dahil dito, napagkaitan ang SSS ng pondo para sa ibat-ibang benepisyo.
Para naman sa SSS, sinabi nito sa COA na ginagawa nila ang makakaya parara mag-remit ang mga kumpanya.
Sa kabila nito, tuloy naman ang 15% contribution rate hike ng ahensya simula ngayong buwan kung saan 10% ang sasaluhin ng employer, 5% naman sa empleyado. – Sa panulat ni Jeraline Doinog