Agad nagpatawag ng imbestigasyon si Senate President Koko Pimentel kaugnay sa lumabas na report ng COA o Commission on Audit na over supply umano ang Senado sa toilet paper at insecticide spray.
Ayon kay Pimentel, kanilang aalamin ang buong detalye hinggil sa nasabing ulat dahil wala aniya dapat nasasayang na pera o anumang resources ang Senado.
Aalamin din ng Senate President kung sino ang nagpasya at nagpahintulot para sa over supply sa mga nabanggit na items gayung wala namang makitang tissue paper sa bawat palapag ng gusali ng Senado.
Batay sa findings ng COA, good for six months ang supply ng tissue paper at good for 2 years naman ang supply ng insecticide gayung sa COA ay tatlong buwan lamang ang dapat ang mga ito.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno
COA report hinggil sa oversupply na tissue at insecticide sa Senado iimbestigahan was last modified: July 4th, 2017 by DWIZ 882