Sinita ng Commission on Audit ang Department of Education dahil sa mga anomalya sa school-based feeding program ng departamento noong 2023.
Ayon sa COA, 21 School Division Office sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakaranas ng delay o hindi na-deliver sa tamang oras ang pagkain at gatas.
Paliwanag ng komisyon, mayroong report na inaamag na ang ipinamimigay na nutribun; nabubulok na ang mga pagkain; hindi maayos na pagkakabalot ng mga pagkain at kuwestyunableng manufacturing at expiration date ng mga pagkain.
Palaisipan din sa COA, kung paano nagkaroon ng pagkaantala sa pagdadala ng mga pagkain gayung na-release na ang 5.69 billion pesos na pondo sa unang quarter pa lamang ng 2023.
Nabatid na layon ng SBFP na matulungan ang mga undernourished learner sa mga pampublikong paaralan.