Sinita ng Commission on Audit (COA) ang mahigit P1.1 milyong nagastos ng Office of the Solicitor General (OSG) sa kanilang mga biyahe sa loob at labas ng bansa noong 2019.
Ayon sa COA, hindi suportado ng mga kinakailangang dokumento ang grant at liquidation ng cash advance ng OSG sa kanilang mga naging biyahe.
Binigyang diin ng COA, hindi naidokumeto ng wasto ang liquidation reports ng nasa 17 opisyal at empleyado ng OSG.
Malinaw na paglabag anila ito sa COA circular 2012-001 na nagsasaad na dapat sertipahan ng pinuno ng ahensiya ang pangangailan para sa travel expense kung sumobra ito sa itinatakdang pondo kada araw.
Maliban dito, hindi rin naisumite ng OSG ang certificates of participation o attendance ng mga dumalo at report ng isinagawang training.