Sinuspinde ng Commission on Audit (COA) ang disbursement sa Department of Public Works and Highways.
Nagkakahalaga ito ng aabot sa higit 4.2 billion pesos para sa mga infrastructure project dahil sa kakulangan ng mga kinakailangan na dokumento.
Ayon sa inilabas na annual audit report ng COA para sa DPWH, makikita na aabot sa kabuuang 3,283 na mga proyektong pang-imprastruktura na may halagang 108 billion pesos ang na-delay o ‘di kaya ay hindi na naisagawa dahil sa kawalan ng koordinasyon sa mga LGU at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Nawalan rin ang ating pamahalaan ng higit sa 681.9 million dahil sa mga advanced payments sa mga kontraktor na hindi na nasalba ng nasabing ahensya.
Kabilang sa mga lugar na kinuwestyon sa 4.2 billion pesos ang mga imprastruktura sa rehiyon ng I, II, VI, VII, IX, X, XII at XIII.
Nagbayad umano ang ahensya ng nasabing halaga kahit pa walang kaukulang mga dokumento. —sa panulat ni Rex Espiritu