Humingi na ng paumanhin si Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes sa rambulan ng kanilang team at Australian Boomers sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Philippine arena, Bocaue, Bulacan noong Lunes.
Ayon kay Coach Chot, nais na nilang maka-usad mula sa hindi inaasahang insidente at humingi na rin ng paumanhin ang mga Gilas player sa mga nadismaya maging sa Australian team.
Sa kabila nito, nagpapasalamat anya ang national team sa mga sumusuporta sa kanila.
Una ng inako ni Reyes ang responsibilidad sa pagkakasangkot ng kanilang koponan sa naturang insidente.
—-