Pinagreretiro na sa boxing ni Coach Freddie Roach ang kanyang alagang si Manny Pacquiao.
Ayon kay Roach, gusto rin naman niyang maka rematch ni Pacman si Jeff Horn pero pagkatapos nito, manalo man o matalo dapat nang magretiro ang Peoples Champ.
Anya, dapat na lang ituon ni Pacquiao ang kanyang atensyon sa pulitika bilang Senador.
Pero nangangamba si Roach na baka ituloy pa rin ni Pacquiao ang boksing para mapanatili ang popularidad sakaling planuhin nitong tumakbong Presidente ng bansa.