Walang intensyon ang Taekwondo Coach na ipinabugbog ang naospital na babaeng yellow belter matapos ipa-sparring sa lalaking black belter.
Ito ang iginiit ni Coach Jerry Salvador, matapos siyang ulanin ng batikos nang mag-viral ang video ng nabanggit na sparring.
Ayon kay Coach Salvador, normal lang na masaktan sa Taekwondo dahil nasa physical sports ito.
Dagdag pa ng Taekwondo Coach, normal lang din na itapat sa sparring ang lalake at babae kahit magkaiba ang kanilang belt.
Itinanggi rin ni Coach Salvador, ang alegasyong nagselos at nagalit siya nang magdala ng bulaklak ang boyfriend ng yellow belter sa isang practice session, at iginiit na kanyang pinagalitan ang buong team at hindi lang ang dalaga, dahil sa pagbubulakbol ng ilang miyembro nito.
Dagdag pa ng Taekwondo Coach, wala siyang gusto sa yellow belter na nabugbog matapos ipa-sparring sa lalaking black belter. – sa panunulat ni Charles Laureta