Ayaw magpakampante ni Meralco coach Norman Black sa hindi naging magandang performance ni Paul Lee para sa Magnolia Hotshots sa semifinals ng 2021 PBA Governor’s Cup.
Ayon kay Black, nakikita niyang sa Miyerkules na susunod na salpukan ng Bolts at Hotshots ay maaaring mag-explode o magpakitang gilas muli si Lee na aniya’y isa sa deadliest players sa liga.
Tiniyak ni Black ang pagpapalakas pa ng depensa at opensa ng Bolts para magwagi sa do or die game o game 4 ng banggaan nila ng Hotshots.