Dismayado umano si Ginebra Head Coach Tim Cone sa kinalabasan ng laro nila laban sa San Miguel Beer kahapon kung saan natalo sila sa score na 82-100.
Ang Beermen ay nagpasabog ng 14 na 3-pointers sa unang half na nagpahirap sa Kings.
Ayon kay Cone, wala ang “never-say-die spirit” ng Kings kaya’t hindi ito nakaporma sa Beermen sa naturang laro.
Isa umano sa mga nagpahirap sa Kings ay si two-time MVP June Mar Fajardo kahit nasa panig nila sina Center Greg Slaughter at Japeth Aguilar.
Giit ni Cone, kailangan lang ipakita nilamg muli ang “never-say-die spirit” na siyang trademark ng mga nakaraang team ng Ginebra.
By Jelbert Perdez